Bakit ba ako gumagawa ng mga tutorial sa salitang Tagalog, bakit di na lang Ingles? Simple lang ang gusto ko, iyon ay ang makatulong sa ating bayang minamahal. Ikaw at ako ay Pilipino at malamang kung sino man ang nakababasa nito ay isa ring Pilipino.
Naalala ko noong ako'y mga 16 taong gulang pa lamang at ako ay nagsisimula pa lang sa pag-aaral ng Photoshop. Walang nagtuturo sakin, ni hindi ko nga ito narinig sa kahit sino man. Ako ay nagliliwaliw lamang sa internet habang natalisod ako sa salitang "Photoshop". Sa mga panahong iyon naging interesado ako sa software na iyon at pinag-aralan ko kung pano iyon gamitin sa tulong ng mga turo o tutorials sa internet hanggang sa nakagawa ako ng iba't ibang klaseng mga designs gamit ang nasabing software. Ako ay nakaiintindi na ng malalim na Ingles noong mga panahong iyon ngunit ako ay medyo nahirapan parin sa pag-intindi ng mga turo sa internet. Pinilit ko matuto kaya nandirito ako ngayon pero nagkaron ng tanong sa isip ko. Bakit mahirap para sa mga Pilipino ang matuto ng libre gamit ang internet? Bakit kahit na nandiyaan na din naman lahat ng mga tutorials (na wikang Ingles) ang mga Pilipino ay naghahanap parin ng mga workshop tungkol sa Photoshop? Hindi naman sa minamaliit ko ang mga Pilipino pero sa karamihan mahirap intindihin ang Ingles na tutorial.
Kaya naman ito, naisipan ko gumawa ng sarili kong tutorials sa Tagalog sa layuning makatulong sa mga kababayan. Namana ko sa ama ko ang pagiging makabayan kaya hindi nakapagtataka na gawin ko to ng libre para sa lahat ng mga Pilipino na may kakayahang kumonekta sa internet. Hindi ko sinasabi na ako ay napakahusay sa Photoshop, kung tutuusin, hilig ko lang ang Photoshop at hindi ito ang propesyon ko. Maraming mga mahuhusay pa na nariyan lamang sa mga tabi tabi na nagtatago sa kanilang mga kwarto at nakatutok sa kanilang mga iMac para gumawa ng kanya-kanyang design ngunit para sa akin, ang serbisyong ito ay higit pa sa ginto. Kahit hindi ako mahusay na gaya ng iba, ilalaan ko ng libre para sa aking kapwa ang mga de-kalidad na mga tutorials na ito sa wikang Pilipino.
Ito rin, maganda din to basahin para sa mga kapwa Pilipino. Huwag po nating pabayaan ang ating sariling wika.
http://www.gmanetwork.com/news/story/366049/opinion/blogs/betraying-the-filipino-language

Subscribe to:
Post Comments
(Atom)
About the Author
Hi! I am Angel. I am a self-taught graphic artist I have been using Photoshop for over 5 years. I learn from web tutorials and maybe it's now my turn to share my knowledge to my fellow Filipino people. I'll be sharing my videos in Taglish (Tagalog x English) form so don't worry fellow Pinoy, I've got you covered!
sir pa upload nman ng part 2 ng vexel nyo sa yt
ReplyDelete